Meet the Author
Atty. Christian Sorongon
Si Atty. Christian D. Soroñgon ay isang abogado, guro, at dating lingkod-bayan na nakapaglingkod sa ehekutibo, hudikatura, lehislatibo, at pribadong sektor.
Nagtapos siya ng B.A. Political Science sa University of the Philippines Visayas, nag-aral ng abogasya sa Ateneo de Manila Law School (2013-2016), at natapos ang Juris Doctor degree sa Centro Escolar University School of Law and Jurisprudence (2019-2020).
Bilang kabataang lider, nagsimula siya bilang SK Chairman sa edad na 16, naging Konsehal sa 19, at Mayor ng New Lucena, Iloilo sa edad na 25 — isa sa pinakabatang alkalde sa bansa.
Naging Case Officer siya sa National Privacy Commission, Executive Assistant sa Court of Appeals, at Corporate Lawyer at Land Legal Counsel ng Solar Philippines, ang pinakamalaking solar energy company sa Southeast Asia.
Pinarangalan siya bilang Outstanding Filipino in Public Service (2017), Ten Outstanding Councilors of the Philippines (2013), Ten Outstanding Students of the Philippines–Western Visayas (2012), University of San Agustin Alumni Awardee in the Field of Law (2024), UP Visayas Chancellor’s Service Awardee (2012), National Ayala Young Leader (2011), at Bayer & UNEP Environmental Envoy (2011).
Naging tagapagsalita siya sa maraming national at international events tungkol sa batas, pamahalaan, at serbisyo publiko.
Sa kasalukuyan, isa siyang private practitioner, guro sa Centro Escolar University, at Head ng Legal Department ng DMD Skin Sciences at mga kaanib nitong kumpanya.

Bakit Nabuo ang Legal Kit Ni Juan?
Bata pa lang ako, lumaki na akong naniniwala na ang tunay na lider ay dapat nakikinig at naglilingkod. Nagsimula akong mamuno bilang SK Chairman, nasubok bilang Konsehal sa edad na 19, at naging Mayor sa murang edad na 25. Sa mga panahong iyon, nakita ko mismo kung gaano karaming Pilipino ang hindi alam ang kanilang mga karapatan — at dahil dito, madalas silang napapabayaan o naaabuso.
Ngayon bilang abogado, nakita ko rin sa legal profession na maraming kaso ang pwedeng maiwasan kung may sapat na kaalaman ang tao tungkol sa batas. Maraming lumalapit sa abogado kapag huli na, pero kung may access lang sana sila sa tamang impormasyon, mas maaga nilang mapoprotektahan ang sarili at pamilya nila.
Doon nabuo ang Legal Kit Ni Juan — isang simpleng layunin na gawing abot-kamay ang batas para sa lahat. Sa pamamagitan ng librong ito, gusto kong maibahagi ang praktikal, malinaw, at makataong gabay upang matulungan ang bawat Juan na maunawaan at ipaglaban ang kanyang karapatan.
Early Accomplishments of
Legal Kit Ni Juan
-
Became the No. 1 Top-Selling Book in the Humanities and Social Sciences category on TikTok Shop Philippines
-
Recognized as one of the overall top-selling books on TikTok Shop Philippines
-
Sold thousands of copies within just a few weeks after its release across various platforms
-
Received high ratings and positive feedback from verified buyers for its clear, practical, and easy-to-understand content
-
Acknowledged by readers as a useful guide for understanding basic legal rights and everyday legal and practical processes
-
Widely appreciated on social media for promoting legal literacy in Tagalog and English, making the law more approachable and relatable to the public



