Legal Kit Ni Juan is now available in National Book Store
- romladeras
- Dec 5, 2025
- 2 min read
Updated: Mar 11
Mas pinalalawak na ngayon ang access ng mga Pilipino sa praktikal na kaalaman sa batas matapos maging available ang aklat na Legal Kit Ni Juan sa mga sangay ng National Book Store sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa publisher, kasalukuyang tuloy-tuloy ang dispatch at distribution ng aklat nationwide, kaya inaasahang unti-unti na itong makikita sa mas maraming branch ng National Book Store sa buong Pilipinas.
Ang Legal Kit Ni Juan ay naging top-selling book sa TikTok Shop Philippines, kung saan libu-libong kopya na ang naipagbili online mula nang ilunsad ito.
Pinapayuhan ang mga interesadong mambabasa na mag-check sa kanilang pinakamalapit na National Book Store branch upang malaman kung mayroon nang available na stock ng Legal Kit Ni Juan.
Bukod sa mga physical bookstore, maaari ring mabili ang aklat online sa pamamagitan ng mga opisyal na tindahan nito sa TikTok at Shopee. Hinihikayat ang publiko na siguraduhing sa official shops na “Legal Kit Ni Juan” at “Juan’s Kit Book Publishing House” lamang bumili upang matiyak ang authenticity ng produkto. Available din sa official website na www.legalkitnijuan.com.
Ayon kay Atty. Christian Sorongon (Atty. Chris), may-akda ng Legal Kit Ni Juan, layunin ng aklat na gawing mas madaling maunawaan ng mga ordinaryong Pilipino ang mga pangunahing legal na proseso at dokumento.
“Masaya kami na unti-unti nang nagiging available ang Legal Kit Ni Juan sa mga branch ng National Book Store sa buong bansa. Layunin ng aklat na makatulong sa mga Pilipino na mas maintindihan ang kanilang mga karapatan at ang mga legal na proseso na maaaring harapin nila sa araw-araw,” ayon kay Atty. Chris, author ng Legal Kit Ni Juan.
Dagdag pa niya, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga partner bookstore upang mas mapalawak pa ang availability ng aklat sa buong bansa at mas maraming Pilipino ang makinabang sa praktikal na legal knowledge.

Comments